THINK BEFORE YOU DIGEST

Mabilis na ang paglaganap ng impormasyon sa ating pangkasalukuyang panahon. Maging ang naaabot nito ay patuloy na lumalawak kasabay ng pagunlad ng industriya ng teknolohiya. Kung ating papansinin, ang mga balitang sa telebisyon, radyo at dyaryo lamang natin dati nababasa ay kahit sa simpleng paggamit lang ng ating “facebook account” ay maaari na tayong makapulot ng balita at impormasyon. Mga ideya at kaalaman na maaaring magkaroon ng malaking tulong sa ating pananaw at paniniwala sa buhay.

Makatotohanan at mapapakatiwalaan, ito lamang ang mga ilan sa mga pundasyon ng isang mabuti at totoong balita. Dahil ang isang balita dapat ito’y nagmula sa totoong pangyayari, batay sa kung ano ang aktuwal na nasaksihan ng saksi at hindi ayon sa nais niyang masaksihan. Ngunit gaya ng ilang bagay sa mundong ito, tila maging ito ay maaari nang ma-manipula at mabahiran ng pagdududa. Dahil sa panahon ngayon, hindi lahat ng ating nababasa ay tama at hindi lahat ng tama ay totoo.

“Fake news” kung tawagin ang mga ganitong balita. Walang ibang nilalaman kundi puro opinyon lamang at minsan ay para bang kathang-isip lamang. Mga impormasyon nagnanais kumuha ng atensyon ng mga mambabasa at impluwensyahan ng salungat ang nakaugaliang paniniwala. Malimit rin itong napokus lamang sa interes ng iisang tao, maaring balita ito tungkol sa kanyang mga buting gawi o maari rin naman mga mapanirang impormasyon tungo sa kanyang katunggali.

Kaya ang ganitong pangyayari ay isang hamon sa mga mambabasa, manunulat at maging sa nakakadinig. Dahil ang akalang nating balita ay kwentong barbero pala.

Laging tandaan. Magresearch din kapag may time.

Subukan rin natin tayo na ang maghanap ng katotohanan, matapos mong basahin ang isang artikulo ‘wag magdadalawang isip na pindutin ang mga kaugnay na bagay rito. Kahit hindi mo laliman ang paghahanap, sapat na yung makahanap ka pa nang dalawa o tatlo balita na halintulad nito. Just to confirm kung truth ba ang chika!


Think before you digest!




Mga Komento