Para sa taong aking iniibig, pagmamahal ko sayo'y walang hanggan.
'sing liwanag ng buwan sa maulap na kalangitan.
Ang tanging bituing nagbigay sa akin nang kaliwanagan.
Ang nagbigay ng kahulugan sa malabo kong kalawakan.
Para sa taong aking iniibig, patuloy mo lang hawakan ang aking kamay
Habang patuloy kong iniiaalay sayo ang pagibig kong dalisay.
Walang salitang susukat na magbibigay ng saysay,
Sa mga bagay at panahon na handa ko sayong ialay.
Para sa taong aking iniibig, 'di ako magsasawang sabihin ang "Mahal Kita".
Gaya sa kung paano hindi tayo nagsasawang pakinggan ang ating paboritong musika.
Na siyang tila naglalahad kung paano tayo pinagtagpo ng tadhana,
Kung paano ang magkaiba nating mundo ay umiikot na lamang ng iisa.
Para sa taong aking iniibig, 'wag mo akong iiwan.
Anumang pagsubok ang sa ating dumaan.
Mangako tayo sa ilalim ng maliwanag na buwan
Atin itong di susukuan at handa sabay tayong aalpas sa laro ng kapalaran.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento