PAGBABAGO

Pagbabago.

Ang salitang pagbabago ay maaring maiugnay sa kabutihan at kasamaan. Maaring ito ay pagbabago para sa ikabubuti ng lahat at maaari namna itong pagbabago para lamang sa interes ng iilan at hindi na nila alintana ang naapektuhan ng pagbabago. Madalas nga nating masambit na ang pagbabago ay walang hanggang, patuloy na magkakaroon ng pagbabago mabuti man o masama.

Sa bagong administrasyon, naging maigting, madugo at marahas ang kanilang kampanya laban sa droga. Kung saan halos ay araw-araw ay laman ng mga pahayagan, telebisyon at radyo ang mga nasasawi rito. May mga iilan pang hindi nakikilala at ang ilan naman ay sinasabing inosente. Magkagayumpaman, hindi natin maaring husgahan ang biktima at ang awtoridad, kung sino nga ba ang may sala, tunay na bang nanlaban o pilit na pinalaban para tuluyan.

Maliban sa mga karatulang isinasabit sa mga nasasawi na may nakasulat na “wag akong tularan, drug pusher ako” o minsan naman “Drug addict, ‘wag tularan” may mga iilan rin nakikitaan ng mga sachet ng droga. Ang mga sachet na ito ang nagiging dahilan upang tukuyin ang pagpatay na nagaganap may kaugnayan sa droga. Ngunit may mga hinala ang iilan na maari ito ay itinanim lamang ng iilan para sa kanilang pansariling interes.

Hindi natin maiitanggi na ang nilalaman ng mga sachet na ito ang nagiging dahilan para masira ang kinabukasan ng mga gumagamit nito. Dahil sa sachet na ito ang dating taong nasa katinuan ang pag-iisip ay bigla na nalang nahihibang at minsan pa’y nakakapanakit sa kapwa. Kung ating titingnan ang epekto nito, ang lawak ng impluwensya ng isang sachet at maaring umabot mula sa batanes hanggang sa hulo. Madadamay na rito ang ekonomiya, edukasyon, kalusugan at kaligtasan ng lahat.

Sa usapin ng edukasyon, hindi natin maitatanggi na ang kabataan ay sadyang maraming katanungan at dahil na rin sa mga ilang magulang na hindi kayang bantayan ang kanilang mga anak. May iilan rito na nadadala ng kanilang mga kaibigan o nakikilala mula sa labas ng tahanan. Sa una, sila muna ay matitikimin maaring ang bata at tumanggi pero di kalaunan ito rin ay mapipilit. Posible rin namna nila itong gipitin upang matikam ang puting pulbura na nilalaman ng sachet. At sa oras na matikman na ito ng bata, maari kanyang ayawan o di kaya naman kanyang gustuhin pa muling matikman.

Mula sa tikim ay aabot na hanggang sa adiksyon. Ang batang dating masigasig sa pagpasok sa eskwela ay imbis na igastos ang pera para sa baon ay kanya na lamang itong ipangtutugon sa kanyang adiksyon. Dito na magsisimula ang bata matutong masinungaling sa kanyang mga magulang, may mga iilan pa riyan ang kukunin ang mga gamit sa bahay at saka ibebenta para maipambili lamang ng kinahuhumalingan sachet. Ang adiksyong ito ang sisira sa kinabukasan, eduksyon  ng bata. Paano pa mapatutunayan ng kabataan na sila ang pag-asa ng bayan kung mga adik na sila, kung hindi sila nakapag-aral, kung wala palang kinabukasan na dapat asahan sa kanila dahil sa isang sachet.

Edukasyon ang isa sa pangangailangan ng isang tao. Sa pamamagitan ng edukasyon, masisiguro ng isang indibiduwal na siya magkakaroon ng maginhawang kinabuksan. Ito ang kanyang magiging kasalag at sandata upang harapin ang anuman.

Kapag ang isang tao ay malululong sa pinagbabawal na gamot. Maaari wala itong direktang epekto agad sa kanyang kalusugan ngunit sa kanyang takbo ng isip, dito unang makikita ang epekto nito. Ang adiksyon ay nagmumula sa kanyang isipan kung saan ay hinahanap na ito ng kanyang sistema at sa oras ba wala ito para siyang sigarilyong unti-unting nauupos. Sa oras na ang kagustuhan ito ay hindi matugunan, dito na magsisimula ang pagbabago ng kanyang mga emosyon at possible magdulot sa iritasyon at humantong sa pananakit sa taong nakapaligid sa kanya. May mag iilan rin na pansin sa kapayatan ng kanilang katawan ang epekto ng sachet na ito.

Kapag ang isang tao ay nasa ilalim ng impluwensya ng droga hindi niya kontrolado ang takbo ng kanyang isipan. Kaya naman posibleng kung anuman ang kanyang maisip, marahas man o mabuti, ay posible niyang isagawa ng hindi sinasadya.

May mga ilan ring insidente na ang may mga nagagahasa, nanakawan at napapatay ng isang adik. Malimit nitong mga biktima ay yung mga taong walang kalaban-laban sa mga suspek. Dahil na rin sa kagustuhan nilang matugunan ang kanilang pangangailangan – ang adiksyon nila ay nagiging kabilang na sa kanilang pangangailangan at nagiging priyoridad na nila ito – ay kailangan nilang humanap ng pera upang may maipambili ng kanilang mithing sachet nga kaligayahan. Dito na sila magsisimulang mag-abang sa mga nadidilim na daanan ng mga daraan na alam may makukuha sila at kayang-kaya nila. Kalimitan kapag ang kanilang biktima ay babae, hindi lamang pera ang kinukuha nito maging mag pagkababae nito.

Isa rin ang droga sa dahilan sa lumulubong bilang ng mga krimen sa ating bansa dahil na rin karamihan sa mga suspek sa mga krimeng ito ay lulong sa droga. Labis itong kabahahala rin dahil pababa rin ang edad ng mga nagiging biktima ng mga taong ito. At dahil sa mga kaganapan ito ay mas lalong bumababa ang ekonomiya ng bansa. Dahil mga nakakakilabot na mga krimeng tulad nito ay nagdadalawang isip ng mga mangangalakal mula sa ibang bansa upang mamuhunan rito sa bansa. Natatakot na baka ang dapat nilang ikita ay maging mitsa pa ng kanilang pagkasawi.


Kung ating iisipin ang sachet na ito ay may malaking epekto sa ating bansa. Marahil isang magandang ideya ang sugpuin ang mga nalulong at natutulak ng mga sachet nito. Pero hindi ba’t mas maigi na ang iwasan kaya sa gamutin pa. Marahil kailangan pang paigtingin ang edukasyon sa kabataan at sa mamamayan na ang sachet na ito ay walang maidudulot na mabuti kahit kanino man, liban na lamang sa mga nagaangkat nito. Hindi rin ito daan para makatakas sa hirap ng buhay bagkus ay mas lalo pa tayo nitong ilulubong sa putikan ng kahirapan. Sa patuloy na paglaganap at paglala nito, higit na nanganganip ang susunod na henerasyon. Baka ang kanilang abutang mundo ay sinasamba na ang sachet.



Mga Komento