NAIWAN AKO SA PAGITAN

Naiwan ako sa pagitan
Sa pagitan ng ideyang ako ba ang umasa o siya ang paasa.
Naiwan ako sa pagitan,
Sa pagitan na dapat ko ba siyang pinaglaban o tama lang na siya aking bitawan.
Naiwan ako sa pagitan ng kawalan at kasarinlan.
Naiwan ako sa pagitan ng mga akala at katotohanan.
Naiwan ako sa gitna ng malakas na ulan at walang masilungan. Nilalamig. . .Nanginginig, habang patuloy ang pag-agos ng mga luha sa aking mga mata. Na siya ring dulot ng pagkabasa ng kumot at unan ko sa gabi, sa t‘wing maalala ang panahon na kasama ko siya.
Naiwan akong maraming katanungan na walang kasagutan.
Oo, ako na ang naiwan sa lahat ng naiwan,
Ng ako’y maiwan sa pagitan kung ako ba’y kanyang minahal o nanatili lamang akong kaibigan.

Ayaw ko na sanang balikan dahil labis na akong nasaktan,
Ngunit tila ito na lamang paraan upang ang puso ko’y pakawalan sa kulungan nitong kinalalagayan.
Dahil hanggang ngayon, nakakulong pa rin ito.
Patuloy na naghihintay na baka sabihin mong mahal mo rin ako.
Kaya, hayaan mo ako’ng unti-unti kong pakawalan ang sarili ko mula sa iyo,
Simulan noong ako’y nasa gitna ng kawalan,
Habang ang madilim na kalangitan ay walang bitiung masilayan,
Na tila ang kalawakan ay binalot ng nakabibinging katahimikan,
Habang ang puso ko’y wasak at may sakit na pinagdaraanan,
Mula sa isang taong mas pinili pang ako’y iwan tungo sa piling ng iba.
Kung kailan ako na’y nagpakalunod, doon pa siya umahon
Kung kailan ako nalango, doon pa niya ako iniwan,
Kung kailan pa ako kumapit, doon pa niya ako binitiwan
Ngunit ako’y iyong nilapitan, sinabihan na hindi lang siya ang taong aking mamahalin ng lubusan.
Kaya bilang aking kaibigan, ako’y iyong pinatahanan.
Sinubukan hilomin ang pusong kong sugatan.

Nagpatuloy ang pag-ikot ng aking mundo, kasama ka sa bawat lugar na ako’y patutungo.
Ang dating malalim na sugat ay bigla na lamang naghilom,
Ang dating mundo kong madilim ay muling lumiwanag ng dahil sayo.
Hanggang sa isang umaga, tila ang dati kong patingin ay nagbago na.
Na hindi na sa akin sapat ang makasama ka, dahil gusto kong makapiling ka.
Hindi sa akin sapat ang makita sa buong araw, dahil mas gusto ikaw ang makita ko sa pagmulat ng aking mga mata sa umaga,
Hindi na sapat ang kasalo kita sa tanghalin, dahil gusto kong kasalo kita mula agahan hanggang hapunan.
Hindi sapat sa akin na tawagin mo pa ako sa aking pangalan, dahill mas gusto kong tawagin mo na akong mahal,
At hindi na rin sapat ang simpleng yakap kapag uwian, dahil hangga’t maari gusto sanang walang ng itong uwian.
Oo, minahal kita ng higit pa sa kaibigan, kung ito’y kasalanan patawarin ako.
Tao lang ako, marunong ring magmahal at wag kang mag-aalala nakahanda akong masaktan.

Ikaw kasi, labis mo akong pinahalagahan.
Pinaramdaman ang kakaibang pag-ibig na hindi ko pa nararamdaman.
Pero itong aking nararamdaman ay hindi sayo isang sikreto,
Hindi ka naman bulag para hindi ito mapansin
Hindi ka naman manhid para di mo ito maramdaman.
Sadyang madaya lang ang tadhana.
Ako pa itong nahulog na sing-lalim ng balong walang hangganan.

May pagkakataon pa ngang binibiro mo ako na baka mahal mo na ako.
Nauwan ang kilig, bago ko na naisip nab aka ika’y nagbibiro.
At noong umaga na muli tayo na muli tayong magkita,
Nais ko sanang tanungin kung totoo ba ang yung tinura.
Ngunit ang labis na nakapagtataka, parang sayo’y iyun lamang ay balewala.
Talo na naman ako, mas humigit sa akin ang maniwala kaysa mag-isip muna.
Talo na naman ako sa ating larong taguan at habulan,
Habulan ng nagmamahal sa minamahal
Taguan ng kanya-kanyang nararamadaman

Aaminin ko mas lalo akong umasa.

Pero siguro sa pagkakakataon ito ang lahat ay sapat na,
Sapat na ang mga gabing iniyak ko para sayo.
Sapat ang mga pagkakataong paulit ulit na durog ang aking puso,
Sapat na rin ang paghihintay ko na mamahalin mo rin ako.
Sapat na ang tatlong taon. . .
Sapat na 


Mga Komento