Noong una kitang
makilala,
ang sabi ko sa
sarili ko ikaw na nga,
Ang taong babago sa
buhay ko
at magpapaikot sa
bago kong mundo.
Gaya sa iilan,
tayo'y nagsimula na
puno ng kasiyahan.
Binalot ang bawat
sandali ng tuwa
na nagdulot sa akin
ng kakaibang saya.
Akala ko ay ayos na
ang lahat,
na ang maging tayo
ay labis na't sapat.
Ngunit bigla kang
nagbago.
Ang dating tayo ay
naging ikaw at ako.
Ang relasyong
pangdalawahan
ay possible palang
maging tatluhan.
Pumayag akong
nariyan siya,
upang di ako maiwan
na nag-iisa.
Kahit na alam ko na
ito'y kalokohan.
Naging bulag ako
'wag mo lang akong maiwan.
Akala ko nga kami
lang,
marami pala kaming
hindi mo na mabilang.
Magkagayunpaman,
tinanggap kita
Minahal pa rin kita
kahit masakit na.
Parang akong inyong
tahanan,
na iyong iiwan sa
umaga at sa gabi mo na muling babalikan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento