BILANG NG PAG-IBIG

Isa, dalawa, tatlo
Isang araw tayo ay nagtagpo sa hangganan
Dalawang taong pinagkabit ang tadhana
Tatlong buwang rin natin itong inantay

Apat, lima, anim
Apat na beses na rin tayong nabigo
Limang tao narin ang sa tin'y nagpaasa
Anim na taong pagpapakatanga

Pito, walo, siyam
Pitong taon na sana ngunit dumating ka
Walo ang numerong ng walang hanggan
Siyam kaya ang magiging hangganan?

Sampu ang huling bilang
Ang bilang na sana'y maabot nating dalawa.
Magawa kaya natin itong malagpasan
Kung ang bilang natin ay may katapusan. 

Mga Komento